Walang nakikitang problema si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagpapalabas sa mga sinehan sa bansa ng kinukwestiyong Barbie movie.
Pahayag ito ng Pangulo, kasunod ng pagkwestiyon sa pelikula dahil sa pagpapakita ng mapa ng China kung saan tampok ang nine-dash claim nito sa South China Sea (SCS).
Sa chance interview ng Pangulo sa Samar, sinabi nito na work of fiction ang palabas, kaya’t hindi na nakakagulat na maipabilang doon ang claim ng China kaugnay sa kanilang boundary line.
“Siyempre, ‘yung sinasabi nila ‘yung kasama doon sa ‘yung boundary line na ginawa. Ang sagot ko doon, what do you expect? It’s a work of fiction,” —Pangulong Marcos.
Base rin aniya sa mga impormasyong kaniyang natanggap, maganda naman ang pelikula.
“Maganda raw eh, sabi nila,” —Pangulong Marcos.
Kung matatandaan, una na ring inaprubahan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRBC) na maipalabas sa bansa ang Barbie movie. | ulat ni Racquel Bayan