Komisyon sa wikang Filipino, inilatag ang mga aktibidad para sa nalalapit na Buwan ng Wika

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakahanda na ang Komisyon sa Wikang Filipino para sa selebrasyon ng Buwan ng Wika sa darating na Agosto.

Sa isinagawang pulong balitaan ngayong araw, inilatag ng KWF ang ilan sa mga aktibidad at programang itatampok nito para sa Buwan ng Wika na nakasentro sa temang Filipino at mga katutubong wika, wika ng kapayapaan, seguridad, at ingklusibong pagpapatupad ng katarungang panlipunan.

Kabilang dito ang pagbubukas ng Buwan ng Wika kasabay ng komemorasyon ng kapanganakan at pagkasawi ni dating Pangulong Manuel Quezon na kilalang bilang Ama ng Wikang Pambansa sa lungsod Quezon sa Agosto 1.

Magkakaroon din ng book fair kung saan pormal na bubuksan sa publiko ang mga publikasyon ng KWF mula 2013.

May serye pa ng webinar na sesentro sa tema kabilang ang pagtataguyod sa Filipino sign language bilang pambansang senyas, at mga wikang katutubo.

Paparangalan din ang mga nagwagi sa Sanaysay ng Taon at gayundin ang Gawad Dangal sa Wikang Filipino.

Sa buwan ding ito, magkakaloob ang KWF ng grant sa state universities na may tampok na sentro ng wika at kultura.

Ayon kay KWF Chair Arthur Casanova, mahalaga ang pakikibahagi ng publiko sa mga aktibidad na nagbibigay halaga sa wikang Filipino at katutubong wika.

Sa datos ng KWF, mayroon ngayong 135 na opisyal na bilang ng katutubong wika sa bansa kasama ang senyas.

Ayon naman sa PSA, may 10 pinakaginagamit na wika/diyalekto sa mga sambahayan kabilang dito ang Tagalog, Binisaya/Bisaya, Hiligaynon/llonggo, llocano, Cebuano, Bikol/Bicol, Waray, Kapampangan, Maguindanao, at Pangasinan/Panggalato. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us