Kongreso, handang makipagtulungan sa ibang mga parlyamento

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ni House Speaker Martin Romualdez sa mga foreign diplomat ang pagiging bukas ng Kongreso ng Pilipinas na makipagtulungan sa parlyamento ng ibang bansa sa mga usapin ng magkatugmang interes.

Ang pahayag ay ginawa ng House leader sa kaniyang pagdalo sa isinagawang briefings sa diplomatic immunity at privileges sa Maynila na ikinasa ng Department of Foreign Affairs (DFA).

“I would like to emphasize that we are very interested in establishing relations with our counterparts in other countries, through Parliamentary Friendship Associations and similar initiatives…I hope those of you whose countries do not yet have such initiatives will consider making a recommendation to your legislators,” sabi ni Romualdez.

Kasabay nito ay nagpasalamat din si Romualdez sa diplomatic corps na tumulong sa mga miyembro ng Kamara na bumisita sa kanilang mga bansa upang mapalakas ang pakikipag-ugnayan ng Kongreso ng Pilipinas sa parlyamento ng ibang bansa.

“Through your efforts, inter-parliamentary ties that have become dormant are once again re-kindled and the bonds of friendship are forged even stronger. For this, we thank you,” dagdag ng House Speaker.

Umaasa naman aniya ang Kamara sa kanilang tulong para sa pangunguna ng Pilipinas sa gagawing Asia-Pacific Parliamentary Forum sa Nobyembre at ang unang BIMP-EAGA (Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area) Parliamentary Forum na gaganapin sa susunod na taon.

Muli namang binigyang diin ng Leyte solon ang foreign policy ng Pangulong Marcos Jr. na pagiging ‘friend to all and enemy to none’ ng Pilipinas.

Paalala naman nito sa mga diplomat na ang mga immunity at prebilehiyo na ibinibigay ng gobyerno sa kanila ay pagpapahiwatig ng pakikipagkaibigan ng Pilipinas sa ibang bansa.

“They provide you with the necessary access and facilitation that you need to carry out your duties as envoys. More importantly, these also express, in a way, our appreciation of your countries’ grant of the same privileges and immunities to our own diplomats who are stationed abroad, pursuant to the principle of reciprocity in international relations,” pahayag ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us