Kongreso, nangakong tutulungan ang Philippine National Police

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkaroon ng pulong ang House leaders kasama si Philippine National Police (PNP) Chief Benjamin Acorda Jr. upang pag-usapan ang mga hakbang ng Kongreso na makakatulong sa mga pangangailangan ng kapulisan.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, bahagi ng nagpag-usapan ay ang Military and Uniformed Personnel (MUP) pension fund na kasalukuyang tinatalakay na sa Kongreso.

Sakaling maisabatas, nasa 227,000 na aktibong pulis pati na ang mga nagretiro na sa serbisyo ang makikinabang dito.

Kasabay nito ay siniguro din ng liderato ng Kamara sa PNP chief, na nakahandang umalalay ang Mababang Kapulungan para makapaglatag ng mga panukalang batas na makapagpapaangat ng integridad, kabuhayan at kakayahan ng pambansang pulisya.

Kasama ni Romualdez sa pulong sina NICA Director General Ricardo de Leon, Appropriations Committee Chair Elizaldy Co, at Tingog Party-list Representative Jude Acidre. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us