Konkretong action plan laban sa mga smugglers, inaasahan ni Senador Alan Peter Cayetano kasunod ng pahayag ni Pangulong Marcos Jr. sa kanyang SONA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa si Senador Alan Peter Cayetano na maglalatag ang administrasyon ng konkretong plano para mahuli at mapanagot ang mga agricultural smuggler sa mga susunod na linggo.

Ito ay kasunod na rin ng naging pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na bilang na ang mga araw ng mga smuggler at hoarders.

Kinikilala naman aniya ni Cayetano ang sense of urgency ng administrasyon pagdating sa isyu.

Sa pagtalakay aniya ng punong ehekutibo sa problema ng may solusyon ay nagpapakita lang na may sense of urgency at malalim ang pagkaalam nito sa problema.

Inaasahan rin ng senador na magkakaroon ng mas detalyadong plano para sa pangangasiwa ng inflation sa bansa.

Sinabi ng senador na dapat kilalanin ng pamahalaan ang direktang ugnayan ng kakulangan ng trabaho, mababang sweldo at presyo ng mga bilihin.

Kailangan aniyang pulido at may teknikal na detalyeng maibibigay para matugunan ang isyu.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us