Konstruksyon ng Southern segment ng North-South Commuter Railway, nagsimula na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Opisyal nang sinimulan ang konstruksyon para sa North-South Commuter Railway Project ng Philippine National Railways sa Sta. Rosa, Laguna kung saan sinimulan na ang pagbaklas sa mga riles ng tren.

Sa Groundbreaking Ceremony kaninang umaga, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na ang mga trainsets na hindi magagamit dahil sa pagsasara ng mga istasyon mula Alabang hanggang Calamba ay ililipat sa ibang linya, tulad ng linya mula Quezon hanggang Bicol.

Para kay PNR General Manager Jeremy Regino, magdudulot ang NSCR ng moderno, komportable, efficient, ligtas, at abot-kayang mass transportation.

Sa July 16 ay isasara naman ang linya ng PNR mula Alabang hanggang Biñan para rin sa konstruksyon ng NSCR.

Inaasahang tatagal hanggaang 2028 ang nasabing proyekto. ₱20 ang magiging boarding fare at dalawang piso naman ang magiging singil sa bawat kilometro. Nagkakahalaga ng ₱73.24 bilyon ang contract package ng nasabing proyekto na may habang 32 kilometro at may siyam na elevated stations mula Alabang hanggang Calamba.

Inaasahang nasa 614,000 na mga pasahero kada araw ang maseserbisyuhan ng NSCR mula Clark hanggang Calamba sa unang taon ng operasyon nito. | ulat ni Gab Humile Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us