Kontrata ng video creator para sa bagong promotional tourism video, kinansela na ng DOT

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kaisa ang Department of Tourism (DOT) sa sambayanang Pilipino na nadismaya sa lumabas na promotional video para sana sa kanilang inilunsad na bagong Tourism Campaign slogan “Love the Philippines.”

Ito’y makaraang umani ng kaliwa’t kanang batikos ang promotional tourism video na ginawa ng advertising agency na DDB dahil sa sinasabing pangongopya nito ng video mula sa tourism ads ng ibang bansa.

Ayon sa DOT, tila nagsinungaling sa kanila ang DDB matapos paulit-ulit nila itong tanungin kung sa kanila ba nanggaling ang mga video footage na ginamit sa nasabing promotional video.

Magugunitang inamin ng DDB na hindi nila orihinal na kuha ang mga ginamit na video at inaako nila ang pananagutan hinggil sa kontrobersiyang idinulot nito.


Una nang iginiit ng DOT na walang lalabas na pera ng taumbayan para sa paglikha ng nasabing video na ginawa ng DDB at wala itong matatanggap kahit singko dahil sa naturang kontrobersiya.

Dahil diyan, sinabi ng DOT na dahil sa pangyayari ay tuluyan na nitong kinansela ang kontrata nila sa DDB bunsod ng kontrobersiyang idinulot nito.| ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us