Kontribusyon ng reservists sa pambansang seguridad, kinilala ng AFP Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinilala ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang malaking kontribusyon ng mga reservist sa pambansang seguridad.

Ang pahayg ay ginawa ng AFP Chief sa kanyang pagdalo bilang panauhing pandangal sa kauna-unahang Jamboree ng National Defense College of the Philippines (NDCP) sa Camp Aguinaldo ngayong araw.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Gen. Brawner na inaasahan niya ang AFP Reserve Command para makamit ang “maximum potential” ng mga reservist bilang “crucial asset” ng AFP.

Ang Jamboree ay naging pagkakataon para bigyang pagkilala ang mga natatanging alumi ng NDCP at mga reservist na nakapag-ambag sa bayan; at gawaran ng ranggo ang mga bagong Commissioned Officers ng Reserve Force.

Kasabay ito ng pagdiriwang ng NDCP ng kanilang ika-60 anibersaryong may temang “NDCP @ 60 and Beyond: Thriving in a New Era of Collective Responsibility. Navigating through Ever-Evolving National Security.” | ulat ni Leo Sarne

📸: TSg Obinque/PAOAFP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us