Korea, nakahandang tumulong sa pagpapaunlad ng manufacturing at mining sector ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa pagbisita ni Speaker of the National Assembly of the Republic of Korea Kim Jin-Pyo kasama ang ibang pang delegado nito sa Office of the Vice President ngayong araw.

Kinilala nito ang mahahagalagang papel ng mga Pilipino sa kasaysayan ng Korea.

Sa pulong ng Korean official at ni Vice President Sara Duterte, binigyang pugay ni Kim ang katapangan ng mahigit 7,000 sundalong Pilipino na nakipaglaban noong Korean war upang ipagtanggol ang kanilang kalayaan at demokrasya.

Inihayag din ng opisyal na nakahandaang tumulong ang Korea sa pagpapaunlad ng sektor ng manufacturing at mining sa Pilipinas.

Ipinaabot naman ng mga opisyal ng Korea ang pasasalamat nito sa bansa, at ipinarating ang layunin na mapalakas pa ang relasyon o ugnayan ng dalawang bansa. |ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us