Kumpanyang Univercells, handang makipag-partner sa Pilipinas para sa manufacturing ng mga bakuna – DTI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakipagpulong si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual kay Jose Castillo, Chief Executive Officer ng Bioscience na subsidiary ng kumpanyang Univercells, isa sa mga kilalang pangalan sa larangan ng abot kayang mga gamot.

Sa isinagawang pagpupulong sa Brussels, Belgium, tinalakay nila Pascual at Castillo ang revolutionary approach sa scaling, production at bioprocessing ng iba’t ibang produktong may kinalaman sa health and wellness.

Ayon kay Pascual, isa sa mga pangunahing prayoridad ng Pilipinas ay ang mga pamumuhunan na may kinalaman sa mga bakuna at biologics na bahagi ng health at life science.

Dahil dito, sinabi ni Pascual na mapaiigting pa ng Pilipinas ang pagiging self-reliance nito sa immunization efforts, pagpapaigting ng kalusugan at paglaban sa mga risk na may kinalaman sa vaccine supply chains. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us