Lahat ng pending driver’s license cards, matutugunan na sa Setyembre — DOTr Sec. Bautista

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Transportation Secretary Jaime Bautista na matutugunan na ang lahat ng pending na driver’s license plastic cards pagtuntong ng Setyembre.

Ayon sa kalihim, magsisimula na ang paunti-unting delivery ng mga plastic card simula sa susunod na linggo.

Makukumpleto aniya ang delivery ng nasa 130,000 unissued cards pagdating ng Setyembre.

“Yung license natin we’re expecting delivery by next week, initially pakonti-konti lang ‘yan by September na-deliver na lahat ‘yung pending natin na dapat iisyu. As I have mentioned earlier and pending natin na hindi pa na-isyu na mga license ay nasa around 120 to 130,000 na,” paliwanag ni Secretary Bautista.

Dahil dito, maaaring magtungo na sa mga tanggapan ng LTO simula sa Agosto hanggang Setyembre ang mga motoristang naisyuhan ng paper license para maipapalit ito sa physical license cards.

Kasunod nito, inihayag rin ng transport chief likewise na maaari na ring maaccess ng mga motorista ang kanilang electronic driver’s license (eDL) sa kanilang LTMS Portal.

“Ang magandang balita pa ay na-implement na rin natin ‘yung ating tinatawag na digital license, yung mga wala pa talagang hawak na physical, they can see their license doon sa kanilang portal,” pahayag ni Sec. Bautista. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us