Lakas ng loob at moral ascendancy, panalangin ng isang kongresista para kay pangulong Marcos Jr. sa kanyang pagharap sa mga hangarin sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinabi ni CIBAC Partylist Rep. Bro. Eddie Villanueva na kanyang ipapanalangin si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang bigyan ng lakas at moral ascendancy na harapin ang kanyang mga hangarin sa bansa.

Ito ang pahayag ni Bro. Eddie kasunod ng SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Pinuri ng kongresista ang mga plano ng pangulo sa infrastructure, transportation, economy, agriculture, education, health at ang laban nito kontra smuggling and korupsyon.

Aniya, maituturig na perfect recipes ito para sa inclusive development at maaring paghugutan ng pagasa at inspirasyon ng sambayanan.

Kaya ayon sa mambabatas kailangan ng lakas ng loob ng presidente upang maisulong ang kanilang national goal at moral ascendancy upang hingin ang suporta at kooperasyon ng ibat ibang ahensya ng gobierno at private sector.

Samantala, ayon naman kay Iloilo Rep. Julienne Baronda, bilib siya na nagawa ng administrasyong na protektahan ang soberinidad ng bansa habang isinusulong ang paglago ng ekonomiya.| ulat ni Melany V. Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us