Inumpisahan na ngayong araw ang Larong Pinoy ng 2023 Palarong Pambansa sa Marikina Sports Center.
Ayon sa Department of Education, maglalaban-laban ang mga delegasyon sa tatlong Larong Pinoy kabilang dito ang Kadang-Kadang, Patintero, at Tumbang Preso.
Bago ang patimpalak ay pinangunahan ng mga mag-aaral sa Marikina Science High School ang isang Zumba warm-up para sa mga kalahok.
Kasabay nito ay isinagawa rin ang pagtatanghal ng Exhibition Games kasama ang Obstacle Cource Racing, Weightlifting, at Cheerdance events bilang panimulang bahagi ng Palaro.
Pinangunahan nina DepEd Assistant Secretary Francis Bringas at Marikina City Mayor Marcy Teodoro ang naturang mga aktibidad.
Sa mensahe ni Teodoro, binigyang diin nito ang kahalagahan ng unity at camaraderie sa pamamagitan ng sports.
Pormal naman sisimulan ang 2023 Palarong Pambansa bukas, July 29 hanggang sa August 5 sa Marikina City. | ulat ni Diane Lear