Lebel ng tubig sa Angat Dam, hindi pa rin nadagdagan sa kabila ng magdamag na ulan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi pa rin nakatulong ang magdamag na pag-ulan para tumaas ang lebel ng tubig sa Angat Dam.

Sa kabila niyan, halos hindi naman gumalaw ang lebel ng tubig sa dam na mula sa 178.03 meters kahapon ay naitala ngayon sa 178.02 meters o bawas na isang sentimetro lamang

Ayon sa PAGASA Hydrometreology Division, hindi man nadagdagan ay napabagal naman ng mga
pag-ulan ang pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam.

Samantala, nadagdagan naman ang lebel ng tubig sa Ipo Dam na ngayon ay nasa 99.15 meters mula sa 98.56 meters kahapon.

Maging ang La Mesa Dam ay nagkaroon din ng pagtaas sa lebel ng tubig na naitala sa 78.51 meters.

Bumaba naman ang lebel ng tubig sa Ambuklao, Binga, at Caliraya Dam. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us