Lebel ng tubig sa Angat Dam, nabawasan na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matapos ang ilang araw na pagtaas sa water elevelation ay nabawasan na sa nakalipas na 24-oras ang antas ng tubig sa Angat Dam.

Sa datos ng PAGASA Hydrome­teorological Division, kaninang alas-6 ng umaga ay
bumaba sa 180.74 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam.

Mas mababa ito ng 22 sentimetro kumpara sa naitalang 180.96 meters water elevation kahapon.

Nabawasan rin maging ang imbak na tubig sa Ipo Dam na nasa 99.62 meters ngayong araw, mas mababa sa maintaining level na 101 meters.

Bukod sa Angat at Ipo Dam, bumaba rin ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam, Ambuklao, at Caliraya Dam.

Habang nadagdagan naman ang lebel ng tubig sa Binga, San Roque, Pantabangan, at Magat Dam. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us