Patuloy ang naitatalang pagtaas ng lebel ng tubig sa Angat Dam.
Batay sa pinakahuling update ng PAGASA Hydro-meteorological Division, as of 6am ay naitala sa 180.67 meters ang lebel ng tubig sa dam na mas mataas sa minimum operating level nito.
Ayon kay PAGASA Senior Hydrologist Oyie Pagulayan, mula noong July 15 ay nasa 2.65 meters na ang naidagdag sa water elevation ng reservoir.
Posible rin aniyang magtuloy-tuloy pa ang pagtaas ng antas ng tubig sa Angat Dam dahil sa inaasahang mga pag-ulan bunsod ng mga umiiral na weather system.
“Further to that, may lagtime po ang pagbaba ng tubig from the upstream areas of Angat watershed papunta sa reservoir area,” ani Pagulayan.
Samantala, nabawasan naman ang lebel ng tubig sa Ipo Dam na ngayon ay 100.65 meters, bahagyang mas mababa sa maintaining level na 101 meters.
Bukod sa Ipon Dam, bumaba rin ang water elevation sa La Mesa, Ambuklao, Magat, at Caliraya Dam. | ulat ni Merry Ann Bastasa