Nakapagtala muli ang PAGASA Hydromet Division ng pagbaba sa lebel ng tubig sa Angat Dam ngayong Lunes, July 10, ng umaga.
Batay sa 6am data, mula sa 179.56 meters kahapon ng umaga ay nasa 179.23 meters ngayong araw.
Nasa 180 meters ang normal operating level ng Angat.
Umaasa naman ang PAGASA na makakabawi pa ang Angat mula naman sa nararanasang mga pag-ulan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes
📸: PNA