Posibleng madagdagan pa ang LEDAC priority measures ng administrasyon na siyang tututukan ng 19th Congress sa pagbubukas ng 2nd regular session nito.
Ayon kay House Sec. Gen Reginald Velasco, kabilang sa napag-usapan sa ginawang pre-LEDAC meeting ng House at Senate leadership ay ang pagkakasundo sa mga susunod na panukalang batas na bibigyang prayoridad.
“Actually it was just coordination like this one, coordination meeting between the Senate, President, and Speaker. Para during the LEDAC, mayroon nang consensus. Dalawa kasi pinag-usapan eh. Yung priority measures na pinag-agreehan ng both Houses during the last SONA no, SONA and beyond.” Sabi ni Velasco.
Sa gaganapin namang LEDAC meeting ngayong araw inaasahan aniya na i-aanunsyo ang karagdagang LEDAC priority bills.
Sa pagtatapos ng 1st regular session, 33 sa 42 LEDAC priority bills ng administrasyon ang napagtibay na ng Kamara.
“itong incoming meeting, there will [be] new legislative measures coming from the–all the groups, the House of Representatives, Senate, and then the Office of the President. So that will be announced after LEDAC. Kung ano yung additional legislative measures.” paliwanag ng opisyal. | ulat ni Kathleen Jean Forbes