Libu-libong Pinoy Hajj pilgrims, nagsisimula nang magsiuwian sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahan nang daragsa ngayong araw ang libu-libong Filipino pilgrims na lumahok sa taunang Hajj sa Makka, Saudi Arabia.

Magmula kanina, sunud-sunod na flights na ng Oman Air, Kuwait Airlines at Saudia Airlines ang lumapag na at lalapag pa lang sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA Terminal 1.

Batay sa impormasyon mula sa Manila International Airport Authority o MIAA Media Affairs Division, posibleng tumagal hanggang Hulyo 9 ang pagdating ng mga Pinoy pilgrim.

Nakaantabay naman ang mga tauhan ng National Commission on Muslim Filipinos o NCMF para umalalay sa mga nagbabalik-bansang Pinoy pilgrims.

Ilan sa mga nakauwi na ang isinailalim naman sa pagsusuri ng medical team ng Komisyon na nasa Saudi Arabia. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us