Licensure exam fee para sa mga mahihirap na indibidwal, pinalilibre ng isang mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinalilibre ni Davao City Rep. Paolo Duterte mula sa pagbabayad ng licensure at bar exams ang mga kwalipikadong mahihirap na nais kumuha ng pagsusulit.

Punto ng mambabatas sa paghahain ng House Bill 4927, kasama si Benguet Rep. Eric Yap, hindi dapat maging hadlang sa pagkamit ng inaasam na professional license ang pagiging mahirap at kakapusan sa panggastos.

Dagdag pa nito na ang naturang mga pagsusulit ay ikinakasa upang makita ang kaalaman ng isang indibidwal at hindi ang kanilang pinansyal na kapasidad.

“Since the sole purpose of licensure examinations is to determine whether one has enough knowledge and experience to perform his or her chosen profession, being unable to pay the licensure exam fees should not be a barrier for any exam taker,” saad ng mga mambabatas.

Sakop ng panukala ang mga pagsusulit na ibinibigay ng Professional Regulation Commission (PRC), Civil Service Commission (CSC), at Bar Examinations.

Kailangan lamang ng exam taker na magsumite ng certificate of indigency mula sa DSWD.

Ang exemption sa licensure exam fee ay maaaring i-avail isang beses sa isang taon.

Sa kasalukuyan nasa P450 hanggang P1,050 ang exam fee na sinisingil ng PRC depdende sa propesyon.

Ang CSC naman ay may P500 fee para sa professional at sub-professional career service examination.

Habang ngayong taon, nasa P12,800 ang Bar application fee.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us