LTFRB, nakahanda sa ikakasang transport strike ng ilang transport groups simula sa SONA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nakahanda ito sa ikakasang tatlong araw na transport strike ng ilang transport groups simula sa State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa July 24 hanggang July 26.

Sa pulong balitaan ngayong hapon, sinabi ni LTFRB Board Member Mercy Jane Leynes na magde-deploy sila ng mga sasakyan para umalalay sa mga pasahero na maapektuhan ng strike.

Ani Leynes, magiging katuwang nila rito ang Metro Manila Development Authority at mga lokal na pamahalaan.

Sakabila nito, nanawaganan naman si Leynes sa ilang tranport group na plano magsagawa ng transport strike na huwag na itong ituloy at ikonsidera ang mga pasahero na maaapektuhan nito.

Sa inilabas naman na pahayag ng DOTr, sinabi nitong bukas sila, ang LTFRB, at Office of Transportation Cooperatives sa pakikipag-dayalogo sa mga transport group at tiniyak nito tutugunan ang kanilang mga hinaing.

Matatandaang planong magkasa ng tatlong araw na nationwide transport strike ng grupong Manibela simula sa araw ng SONA ng Pangulo dahl hindi umano natutugunan ng pamahalaan ang mga concern ng public utility vehicle drivers at operators. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us