LTO enforcer na nahuling nangongotong, pinasususpinde na ni LTO Chief Mendoza

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan na ni LTO Chief Asec. Atty. Vigor Mendoza II ang regional director ng LTO 3 na agarang magpatupad ng mga administratibong aksyon laban sa isang enforcer na nahuling nangongotong sa entrapment operations sa San Fernando City, Pampanga.

Sa inisyal na ulat ng PNP, kinilala ang nahuling enforcer na si Kristofferson Canlas na naka-deploy sa LTO Law Enforcement Office Region 3.

Napag-alaman ding may record na si Canlas sa pangingikil sa isang truck driver dahil sa operasyon ng colorum na sasakyan.

Sa direktiba ni LTO Chief Mendoza, iniutos na nito ang pagpapatupad ng preventive suspension sa nahuling tauhan ng LTO habang ikinakasa ang imbestigasyon.

Nais din nitong panagutin ang immediate superior officer ng nahuling enforcer dahil sa command responsibility.

Bukod pa rito, pinaasikaso rin ng hepe ang pagsasagawa ng audit inventory sa handheld device at manual TOP na ibinigay sa respondent. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us