‘Lungsod ng Kabataan’ program ni dating First Lady Imelda Marcos, bubuhayin muli

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bubuhayin muli ang “Lungsod ng Kabataan” program ni dating First Lady Imelda Marcos kasabay ng pagtatayo ng bagong Philippine Children’s Medical Center (PCMC).

Ito ang ibinahagi ni House Speaker Martin Romualdez sa ikinasa nitong “Congress at Your Service-We listen, We Deliver” town hall forum.

Aniya, nakatakdang magtayo ng 20 palapag na bagong PCMC.

Dalawa sa palapag na ito ay magsisilbing temporary shelter o halfway house ng mga batang cancer patients at kanilang magulang na galing sa probinsya na hango sa “Lungsod ng Kabataan” program ni dating First Lady Imelda Marcos.

Kaya naman malaki ang pasasalamat ng House leader kay Quezon City Mayor Joy Belmonte matapos pahintulutan ng konseho ng lungsod na alisin ang height restrictions sa mga gusali sa lungsod.

Sa paraan aniyang ito ay makakausad na sa pagtatayo ng bagong PCMC gayundin ang Philippine Cancer Center.

“What we are doing is all about inclusive governance. Sa Bagong Pilipinas, needs will prevail and every centavo spent will redound to the benefit of our people. Cancer patients will be a priority,” ayon kay Speaker Romualdez.

Sa Quezon City itatayo ang PCC na aniya ay magiging legacy project ng Marcos Jr. administration.

Magsisilbi itong pagamutan ng mga may cancer, research facility at training ground para sa mga cancer specialists na tututok sa mga lugar sa labas ng Metro Manila.

Maliban pa ito sa pagtiyak din aniya na mapaglalaanan ng karampatang pondo ang iba’t ibang medical assistance para sa indigent cancer patients gaya ng Package Z ng PhilHealth at Medical Assistance for Indigent Patients (MAIP) ng Department of Health (DOH).

“All of these, we are going to address. We will make sure, together with the Committee on Appropriations and the whole Congress, that public funds will go to where it is truly needed…Foremost among our priorities is to let the people feel that our government is a shoulder to rely on. Ang gobyerno ang inyong Kuya sa panahon ng pangangailangan,” dagdag ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us