Hindi makikiisa sa tigil-pasadaang Magnificent 7 na binubuo ng mga transport group operators na ikakasa sa simula sa araw ng SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa July 24 hanggang July 26.
Ito ang naging pahayag ng grupo sa kanilang naging pagpupulong kasama si Metropolitan Manila Development Authority o MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes at iba pang opisyal ng ahensya.
Nagpasalamat naman si Artes sa commitment na ito ng transport groups.
Ayon sa opisyal, regular ang konsultasyong ginagawa ng MMDA sa hanay ng mga transport groups anuman ang polisiyang ipatutupad dahil sila ang katuwang ng ahensiya sa kaayusan ng kalsada.
Matatandaang planong magkasa ng tatlong araw na nationwide transport strike grupong Manibela ng simula sa araw ng SONA ng Pangulo. | ulat ni Diane Lear