Positibo si Camarines Sur Representative LRay Villafuerte na lalo pang tatatag at uunlad ang ekonomiya ng Pilipinas dahil sa nalalapit na pagsasabatas ng Maharlika Investment Fund (MIF).
Ngayong umaga ay nakatakdang lagdaan ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang MIF.
Ani Villafuerte, magsisilbing growth stimulant ng Pilipinas ang MIF kahit pa magkaroon ng pagbagal sa pandaigdigang ekonomiya.
“With its signing into law this week by the President, the MIF will clear the way to an alternative, potentially huge source of investment funds that would enable the national government to spend much bigger on public infrastructure and its other big-ticket programs to shore up our President’s ‘Agenda for Peace and Prosperity,’” ani Villafuerte.
Napapanahon din aniya ang paglulunsad ng sovereign fund ng Pilipinas matapos panatilihin ng credit rating agency na Fitch ang “BBB” rating ng Pilipinas at i-upgrade sa “stable” ang Long-Term Foreign-Currency Issuer Default Rating (IDR) ng bansa na dati ay nasa negative.
“Amid the not-so-favorable economic conditions worldwide, international investors are likely looking at putting their money in big-ticket projects like those being envisioned in the MIF and they might be keen on investing in this would-be Fund, especially with the recent rating upgrade of the Philippines,” dagdag ng kinatawan.
Bilang magsisilbi rin itong bagong pagkukunan ng pondo ay mas mapagtutuunan ng national government ang mga priority project nito nang hindi kailangan umasa sa foreign borrowings.
Nilalayon ng MIF na lipunin ang pondo government financial institutions (GFIs) upang ipampuhunan at makakuha ng mas malaking kita na siya namang ilalaan sa mga pambansang programa at proyekto ng pamahalaan tulad sa kuryente, agrikultura, at transportasyon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes