Muling iginiit ni Finance Secretary Benjamin Diokno, na malaki ang maitutulong ng Maharlika Investment Fund (MIF) sa pagpopondo sa infrastructure development ng bansa.
Sa isinagawang Post Sona Briefing, sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno, na sa pagkakapasa ng Maharlika Investment Fund ay malaki ang maitutulong nito sa pagsuporta ng national government sa pagpopondo ng infrastructure projects spending sa ating bansa, kapag nag-umpisa na ang naturang investment arm ng Pilipinas.
Dagdag pa ng kalihim, na kumpara noong nakaraang adminstrasyon ay mas marami pang proyekto ang mapopondohan dahil sa naturang investment fund, at mababawasan na ang pagkakaroon ng loan ng ating bansa.
Sa huli sinabi ni Diokno, na maganda ang magiging layunin ng MIF sa pagpapa-unlad ng ating bansa maging sa pagpopondo hindi lamang sa sektor ng imprastraktura maging sa iba pang programa ng pamahalaan. | ulat ni AJ Ignacio