Inilarawan ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo ang kalalagda lamang na Republic Act 11954 o Maharlika Investment Fund (MIF) Law bilang ‘very big milestone’ para sa ekonomiya ng Pilipinas.
Aniya, tiwala siya sa pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kanilang inaral mabuti ang iba’t ibang sovereign fund sa mundo.
Kasama na aniya dito ang iba-ibang modelo, achievement at maging pagkakamali ng sovereign funds.
Kaya naman kumpiyansa siya na ang nilagdaang batas ng Pangulo ang pinakamagandang bersyon ng MIF.
Paalala naman ni Arroyo na isa ring ekonomista, tulad ng iba pang sovereign wealth fund nakasalalay ang tagumpay nito sa tamang management at implementasyon.
“There are many many sovereign funds in the world and that’s what the president said. They looked at the different models, they looked achievements, they looked at the mistakes. So this is a very good bill and now like all sovereign funds the key will be in the management and implementation.” saad ni Deputy Speaker Arroyo. | ulat ni Kathleen Forbes