Nasabat sa pinagsanib na pwersa ng PNP Drug Enforcement Group at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group ang iligal na droga na nagkakahalaga ng nasa mahigit 5.9 milyong piso sa lungsod ng Pasay.
Nakuha ang naturang halaga ng iligal na droga sa shipment ng isang courier company sa Andrews Avenue sa Pasay City.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ang naturang shipment ay nakapangalan sa isang ‘Cherry Aguiling’ na nakatira sa Blk 9 Lot 35 Meadow Park Subd., Molino 4, Bacoor, 4102, Cavite at naka-consignee sa nagngangalang ‘Raymond Dulla’ mula sa Makati City.
Nakuha sa naturang shipment ang 878 gramo ng Methamphetamine Hydrochloride o hinihinalang shabu na may standard drug price na ₱5,970,400.00; dalawang electric hair dryers na may pitong improvised pouches; dalawang electric hair brushes na may tatlong improvised pouches; at tatlong eyelash sets.
Ituturn-over ang naturang mga drug pharaphernalia sa kustodiya ng PDEA para sa maayos na documentation at disposition. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio
📷: PDEG