Patuloy ang pagseserbisyo ng mga miyembro ng Bangsamoro Government Internship Program (BGIP) sa ilalim ng Ministry of Labor and Employment (MOLE) sa mga piling tanggapan sa lalawigan ng Sulu.
Ayon kay Refkah Estino, Labor Officer III ng MOLE Sulu Field Office, patuloy ang pagtrabaho ng aabot sa 130 kwalipikadong miyembro ng BGIP ang nai-deploy sa iba’t ibang tanggapan at walong barangay sa Jolo mula nang simulan ito nung ika-2 ng Mayo at inaasahang matatapos sa ika-2 ng Nobyembre ngayong taon.
Pagbabahagi ni Estino, nagpadala sila ng liham sa mga opisina maging sa iba’t ibang barangay LGU at base sa pangangalaingan ng mga ito ang kanilang ipinadala.
Ayon pa kay Estino, pinakamarami ang kanilang naipadala sa Ministry of Social Services and Development kung saan 10 sa main office nito at lima naman sa tanggapan nito sa Jolo, pangalawa ang munisipyo ng Jolo kung saan nakapagpadala sila ng 13 katao, at maliban dito ay mula sa apat hanggang anim ang kanilang itinalaga sa mga tanggapan at maging sa mga komunidad.
Sa ilalim ng BGIP program, makakatanggap ng ₱14,750 allowance ang mga fresh graduate na napabilang sa naturang programa matapos ang kanilang pagsiserbisyo sa loob ng tatlong buwan.| ulat ni Mira Sigaring| RP1 Jolo