Mahigit 30 pamilya sa bayan ng Aguilar, Pangasinan, inilikas ng LGU dahil sa pagbaha

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mayroong 34 na pamilya mula sa dalawang barangay ng bayan ng Aguilar ang inilikas ng LGU dahil sa pagbaha sa kanilang mga lugar.

Pansamantalang nananatili sa Tampac Integrated School ang 19 na pamilya na binubuo ng 59 na mga indibidwal na nagmula sa Barangay Bocboc West.

Karagdagang 15 na pamilya na binubuo din ng 59 na mga indibidwal ang nanunuluyan sa Aguilar Evacuation Center matapos lumikas dahil pa rin sa pagbaha.

Nagmula naman ang mga ito sa Barangay San Jose habang mayroon ding iba na galing parin sa Barangay Bocboc West.

Tiniyak naman ng LGU Aguilar ang patuloy na pagbabantay sa mga lugar sa kanilang bayan na apektado ng mga pagbaha dulot ng mga ulan na dinala ng nagdaang bagyong Egay. | ulat ni Ruel de Guzman | RP1 Dagupan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us