Base sa Office of Civil Defense 5 (OCD 5), umabot na sa P131,263,299.97 halaga ng iba’t ibang tulong na naibigay sa Albay mula nang mag-allburoto ang Bulkang Mayon.
Iniakyat sa Alert Level 3 ang alarma nito, noong Hunyo 8 at umabot na sa 26 na araw ang Mayon Response Operation.
Base sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 5, umabot na sa P85,283,816.32 halaga ng ayuda ang naibahagi ng ahensya.
Ang tulong ng DSWD Feld Office 5 ay binubuo ng family food packs, non-food items, distilled water at cash assistance.
Pumalo na sa P44,661, 321.50 ang halagang nailaaan sa food items, habang P20, 108, 918.92 naman sa non-food items at P19,954,000.00 para sa cash assistance.
Samantala, ang Office of Civil Defense 5 ay nakapaglaan na ng P11,719,363.19 halaga ng ayuda.
Ang Department of Health naman ay naglabas ng pondong P3,050,836.03, habang P1,254,366.00 sa Department of Agriculture, P2,535,795.00 sa LGUs, P14,663, 300.73 mula sa GOs/CSOs at P11,719,363.19 naman ang galing sa iba pang pribadong grupo. | ulat ni Nancy Mediavillo | RP 1 Albay