Mahigit P19 milyong halaga ng mga produkto, nakumpiska ng NBI-NCR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasamsam ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation – National Capital Region (NBI-NCR) ang iba’t ibang pekeng mga produkto na nagkakahalaga ng mahigit P19 milyong.

Matapos ang isinagawang operasyon ng ahensya sa Caloocan at Valenzuela City gayundin sa Baclaran sa Parañaque at Carriedo sa Lungsod ng Maynila.

Kabilang sa mga kinumpiska ay pawang mga pinekeng pabango, towels at mga undergarment na nagtataglay ng mga tatak ng mga kilalang brand.

Nag-ugat ang operasyon sa reklamong inihain sa tanggapan ng NBI-NCR sa Maynila, na humihiling na imbestigahan at ipatigil ang pagpapakalat ng mga naturang produkto na nagresulta naman sa pagkakasamsam nito.

Paalala ng NBI-NCR, lubhang mapanganib sa kalusugan at kaligtasan ng publiko ang pagbili ng mga sub-standard at hindi ligtas na mga produkto. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: NBI-NCR

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us