Mahigit ₱80-B halaga ng pamumuhunan para sa unang semestre ng 2023, inaprubahan ng PEZA Board

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaprubahan na ng Philippine Economic Zone Authority o PEZA Board ang aabot sa 102 ecozone developer-locator projects na may capital investment na mahigit 50.5 bilyong piso para sa unang 6 na buwan ng taong 2023.

Ayon kay PEZA Director General Tereso Panga, mas mataas ito kumpara sa mga inaprubahang investment pledges sa kaparehong panahon noong isang taon sa ilalim ng nakalipas na administrasyong Duterte.

Sinabi pa ni Panga na sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr mula Hulyo 2022 hanggang Hunyo 2023, nakapagtala na ito ng halos 205 investment projects na nagkakahalaga ng halos 200 bilyong piso.

Nagresulta aniya ito sa paglikha ng mahigit sa isang milyong trabaho para sa mga Pilipino gayundin ng mahigit 58 bilyong dolyar na actual direct exports.

Kumpiyansa si Panga na mapananatili ang magandang pagpasok ng pamumuhunan sa Pilipinas at maisulong ang whole-of-government approach sa investment promotion para sa huling 6 na buwan ng 2023. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us