Makati City Mayor Binay, nanawagan sa lungsod ng Taguig na pag-ingatan ang 10 barangay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Makati City Mayor Abby Binay sa Taguig City government na pag-ingatan ang mga residenteng nakapaloob sa 10 barangay na ililipat na ang pamamahala sa lungsod ng Taguig.

Sa kanyang naging mensahe sa isang video message kahapon sinabi ng alkalde na bagamat hinihintay na lamang nila ang kopya ng naging desisyon ng Korte Superma sa kanilang lungsod upang magkaroon ng maayos na transition period sa paglilipat ng naturang mga barangay sa Taguig City.

Dagdag pa ng alkalde na nababahala ito para sa kinabukasan ng mga batang kasalukuyang nag-aaral at pinopondohan ng lungsod sa pagbibigay ng dekalidad at maayos na edukasyon, gayundin ang mga senior citizens na nakapaloob sa kanilang mga programa sa Makati.

Saad pa ng alkalde na kanyang ikinalulungkot ang pagkawala ng nasa 300,000 residente mapa-bata at matatanda na mawawala sa mga programa at serbisyo ng kanilang lungsod.

Sa huli, sinabi ni Mayor Abby na sa mga susunod na mga araw ay makikipag-ugnayan sila sa iba’t ibang national government agencies upang ipagpatuloy ang laban sa kinabukasan ng kanilang mga residente sa naturang 10 barangay. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us