Mambabatas, muling nagpaalala sa publiko na irehistro na ang kanilang mga SIM Card

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaalalahanan ni Information and Communications Technology Committee vice-chair at Davao Oriental Rep. Cheeno Almario ang publiko na irehistro na ang kanilang mga SIM card bilang pagtalima sa SIM registration law.

Sa Hulyo 25 na kasi ang deadline para sa SIM registration.

Ang mga mabibigong irehistro ang kanilang SIM card ay mawawalan na ng access sa mobile services at applications.

Para sa mambabatas, dapat makiisa ang lahat sa pagtiyak ng seguridad at integridad ng mobile communications ng bansa lalo na mula sa iligal na mga aktibidad gaya ng terorismo at panloloko.

“By registering our SIM cards, we contribute to creating a safer environment for all by enabling authorities to trace and track down individuals involved in illegal activities, such as terrorism, fraud, and other forms of criminal behavior. Though it may seem a burdensome task for some, it is a small price considering the potential risks and harm that could result from unregistered and untraceable mobile numbers.” diin ni Almario.

Payo naman ng kongresista sa mga nakapagparehistro na, himukin at tulungan nila ang mga kapamilya, kaibigan at kakilala na mairehistro din ang kanilang SIM cards. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us