Ikinagalak ng business community sa lungsod ng Mandaue City, Cebu ang paglatag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng mga plano ng kanyang administrasyon kaugnay sa usapin ng food security at pagpapababa ng inflation rate sa bansa.
Ayon kay Mandaue Chamber of Commerce and Industry President Kelie Ko malaking tulong sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa kung mapapanatiling mababa ang inflation rate.
Kapag naabot pa ang administrasyong Marcos Jr. ang inaasam na 2-4 % inflation rate, ayon kay Ko, mapapaunlad ang buying capacity ng publiko, dadami ang mga mamumuhunan sa bansa at makakapagbigay ng mga trabaho.
Umaasa naman ang grupo ng mga negosyante sa Mandaue na magtagumpay ang administrasyong Marcos Jr. sa tatahakin nitong landas at pagpapatupad ng mga programa para sa ikakaunlad ng bawat Pilipino.| ulat ni Angelie Tajapal|| RP1 Cebu