Upang mas maipalaganap ang pagiging Drug Free City ng Maynila, nagsagawa ang Manila City LGU ng random Drug Testing sa lahat ng empleyado nito sa lungsod.
Ayon kay Manila City Mayor Dr. Honey Lacuna, layon ng Random Drug Testing na tumalima ang lungsod sa inilabas ng memoradum ng Civil Service Comission sa pagkakaroon ng Drug Free Community sa Maynila.
Dagdag pa ng alkalde na ito’y upang ipakita rin sa taumbayan na ang lahat ng empleyado at opisyales ng lungsod ay hindi gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.
Kaugnay nito, nakiisa rin ang alkalde sa pagsasagawa ng drug test kahapon.
Magpapatuloy ang random drug testing hanggang July 28 sa lahat ng 7,859 na kawani at opisyales ng lungsod. | ulat ni AJ Ignacio