Kinilala ng World Wide Fund for Nature – Philippines ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila dahil sa pagiging aktibo nito sa kanilang kampanya kontra sa paggamit ng plastic.
Tinanggap ni Manila Department of Public Services Officer-In-Charge Kayle Nicole Amurao at City Council Committee Chairman for Environmental Protection and Ecological Preservation Timothy Oliver Zarcal ang naturang parangal.
Nagpasalamat naman ang Pamahalaang Lungsod sa parangal na kanilang natanggap at nangakong paiigtingin pa ang kampaniya upang mabawasan o kung di man ay matigil nang ganap ang paggamit ng plastic sa kanilang lungsod
Magugunitang inilunsad ng WWF ang Plastic Smart Cities nanaglalayong mabawasan ng 30 porsyento ang plastic waste pagsapit ng 2024.
Sa pamamagitan nito, posibleng maabot na ng Lungsod ng Maynila ang 100 porsyentong plastic waste reduction pagsapit ng 2030 kasunod na rin ng aktibong partisipasyon ng mga Barangay at Komunidad sa lungsod.| ulat ni Jaymark Dagala