Manila solon, pinasalamatan ang CBCP sa pagdeklara sa Quiapo Church bilang national shrine

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malaki ang pasasalamat ni Manila Representative Joel Chua sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa pagdeklara sa Quiapo Church bilang isang National Shrine.

Sa hakbang na ito aniya ay napagtibay ang Quiapo Church bilang sentro ng pananampalataya at pilgrimage ng iba pang Black Nazarene shrines sa buong bansa.

Dahil naman dito umaasa si Chua na mabilis na uusad sa Kamara ng House Bill 3750 na layong kilalanin ang Quiapo District bilang isang National Heritage Zone.

Oras kasi na kilalanin ito bilang National Heritage ay mas mapaglalaanan ito ng pondo para sa pagsasaayos ng imprastraktura, pagpapalakas nito bilang tourist site, at pagsasaayos ng mga historical structure sa palibot nito. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us