Manila Water, magpapatupad ng water service interruption sa ilang lugar sa QC ngayong gabi

Facebook
Twitter
LinkedIn

Simula ngayong gabi, makakaranas ng water service interruption ang ilang bahagi ng Quezon City na tatagal ng anim na oras.

Sa abiso ng Manila Water, may isasagawa silang line meter replacement at maintenance activities sa mga apektadong lugar.

Kabilang sa mawawalan ng suplay ng tubig ang barangay Tandang Sora, mula 10PM hanggang 4AM kinabukasan.

Sunod ang Barangay Matandang Balara mula 10PM ng Hulyo 13 hanggang 4AM kinabukasan ng Hulyo 14.

May mga lugar din sa Makati City, Marikina City at Pasig City ang makakaranas din ng kawalan ng suplay ng tubig. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us