Mas nais tingnan ni Albay ang mas magandang performance ngayon ng PAGCOR kaysa punahin ang bago nitong logo.
Ito ang tugon ng mambabatas nang hingan ng reaksyon sa bagong logo ng ahensya na umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa publiko.
Ayon kay Salceda, hindi naman aniya siya eksperto pagdating sa creatives kaya kung matitiyak na above board at compliant ang procurement process nito ay wala siyang problema.
Mas nais aniya niya purihin ang ‘impressive’ performance ni PAGCOR Chair Alejandro Tengco.
Tumaas kasi aniya ang Quarter 1 income ng ahensya ngayong 2023 ng 50.59% kaya’t inaasahan na aniya niyang makakamit ng PAGCOR ang target Gross Gaming Revenue nito na 224.8 billion pesos.
Maliban dito ay tinatrabaho rin aniya ni Tengco ang paglilinis sa assets at financials ng PAGCOR para sa posibleng privatization.
“I cannot pretend to be an authority on creatives. If the procurement is above board and compliant, I have no issue. What I can comment on is Chairman Al Tengco’s performance as PAGCOR head. It has been impressive….He has negotiated a higher government share in revenues of slot machine terminals, and is doing his best to clean up PAGCOR assets and financials in preparation for possible privatization.” ani Salceda.| ulat ni Kathleen Jean Forbes