Mas maigting na operasyon kontra smuggling, tiniyak ng Dept. of Agriculture

Facebook
Twitter
LinkedIn

Paiigtingin pa ng Department of Agriculture Inspectorate and Enforcement o DA-IE ang kanilang paglaban sa smuggling.

Ayon kay Agriculture Asec. James Layug, tuloy-tuloy lang ang kanilang operasyon, pinakahuli rito ay sa Luys Classic Teahouse sa Cebu City noong June 27.

Bunsod ito ng pagkabigo ng naturang establisyimento na magpakita ng Certificate of Meat Importation o CMI kaya kinumpiska ang mga imported na karne.

Kabilang sa mga nasamsam ay ang bibe, gansa, black chicken at frozen pork.

Ayon kay Layug, patunay ito ng kanilang pagsuporta sa direktiba ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lahat ng ahensya ng gobyerno na labanan ang Agricultural Smuggling para makamit ang food security. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us