Mas maluwag na health protocol, ipapatupad ng Senado sa pagbubukas ng sesyon sa Lunes

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magpapatupad na ng mas maluwag na health protocol ang Senado sa pagbubukas ng sesyon nito sa Lunes, July 24.

Ayon kay Senate President Juan Miguel zubiri, hindi na magiging mandatory ang antigen test sa mga kawani at bisita ng senado na papasok sa senate building sa Lunes.

Magiging optional na lang rin aniya ang pagsusuot ng face mask.

ito ay taliwas sa mga pinatupad nitong mga nakalipas na taon na limitado lang ang papapasukin sa senate building at ang mga papasok ay kailangang magpresenta sa COVID-19 RT-PCR test o antigen tests.

Pagdating naman sa magiging sesyon ng senado ngayong second regular session, sinabi ni Zubiri na ‘purely physical’ na ang magiging attendance ng mga senador at hindi na papayagan ang ‘virtual’ na pagdalo sa mga sesyon.

Pero sa mga committee hearing, sinabi ng senate leader na nasa desisyon na ng mga committee chairman kung papayagan nila ang ‘virtual’ attendance o paggamit ng teleconferencing sa pagdalo ng mga senador o resource person sa mga gagawin nilang pagdinig.

Sa ngayon ay inalis na rin sa session hall ang mga acrylic barriers pero may mga nakalagay pa ring air purifier sa loob ng plenaryo bilang dagdag na proteksyon.

Wala na rin ang mga marker sa mga upuan sa session hall para sa social distancing at balik na sa dating hanay ang mga mesa ng mga senador sa session hall.

Sa kabila ng pagluluwag na ito, pinapaalala pa rin ng senado na kung may lagnat o masama ang pakiramdam ay mas mainam na magpatingin sa doktor o mag-isolate na muna para matiyak ang kaligtasan ng lahat. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us