Mas maraming trabaho at negosyo, asahan na sa pagkakasundo ng PH-Malaysia na palakasin ang Halal industry

Facebook
Twitter
LinkedIn

Positibo si House Speaker Martin Romualdez na magreresulta sa mas maraming trabaho at negosyo ang pagtutulungan ng Pilipinas at Malaysia upang mapaunlad ang Halal industry.

Sa naging pulong ng Philippines-Malaysia Joint Commission nagkasundo ang dalawang bansa na palakasin ang mga sektor kung saan mayroon silang kapwa interes at kasama rito ang Halal industry.

Handa ang Malaysia na magbigay kasanayan sa mga Pilipino partikular sa mga nasa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

“The agreement between the Philippines and Malaysia to cooperate in this vital sector undoubtedly signifies a significant step towards the creation of more jobs, as well as livelihood and business prospects of our people,” ani Speaker Romualdez.

Kung pagbabatayan ang mga datos, ang global halal food market size ay umabot sa $2.2 billion noong 2022 at inaasahan na lolobo sa $4.7 billion sa 2028

“The Halal industry holds immense potential. By working together, we can capitalize on the Halal market’s vast opportunities, creating new avenues for trade, investment, and employment,” sabi pa ng House Speaker

Ang Malaysia ay isa sa nangunguna sa larangan ng Halal industry.

Tiwala naman si Romualdez na pakikinabangan ng mga Pilipino ang mga kasunduang naselyuhan sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malaysia.

Muli ring nangako ang House leader na tutulong ang Mababang Kapulungan sa pamamagitan ng pagpasa ng mga kinakailangang batas para mapalakas ang ugnayan ng Pilipinas at Malaysia.

“The House of Representatives stands ready to support any legislative measures necessary to facilitate the successful implementation of this bilateral cooperation in the Halal industry. We will work in tandem with the executive branch to create an enabling environment that fosters innovation, investment, and responsible business practices,” dagdag ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

📷: PCO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us