Umaasa si House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro na mabilis na maipatupad ang reporma sa pension system ng military and uniformed personnel (MUP).
Ayon sa mambabatas, ang matitipid na pondo dito ng gobyerno ay maaaring gamitin naman para maitaas ang sahod ng mga guro at nurse.
Babala ng mambabatas na kung hindi pa rin maisasaayos ang wage increase ng mga guro at nurse ay mas lalo lamang aniya silang mae-engganyo na mangibang bansa.
Hindi naman pabor si Castro sa naunang suhestyon ni Appropriations Committee Chair at Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co na gamiting pampondo sa MUP pension ang nasa P120 billion na government savings.
Maaari naman kasi aniya na magpatupad ang Department of Budget ang Management ng pautay-utay na pagtaas sa kontribusyon batay sa ranggo at taon ng serbisyo ng MUP.
“This can help stave off the fiscal collapse the MUP pension may cause in 3-5 years time. The DBM even said that around P300 billion has been allotted for the MUP pension in the 2024 budget alone. So, it is really a significant part of the national budget that needs to be reallocated,” ani Castro. | ulat ni Kathleen Jean Forbes