Maximum tolerance, mahigpit na ipinaalala ng QCPD Chief sa mga pulis sa pakikitungo sa mga raliyista

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinapaalala ni Quezon City Police District Director Police Brig. Gen. Nicolas Torre III na kailangang mangingibabaw ang maximum tolerance sa kilos protesta ng mga militanteng grupo ngayong araw.

Sa kanyang pag-iikot sa Commonwealth Avenue, muli niyang pinaalala sa mga pulis na hindi dapat magkaroon ng sakitan at paluan.

Sa panig ng mga raliyista
Dapat, respetuhin lang ang karapatan ng bawat isa sa paghahayag ng saloobin.

Kahit magsisigaw ang mga ito sa kanilang mga aktibidad ay hahayaan lamang sila ng mga awtoridad.

Kuntento naman ang Police official sa latag ng seguridad sa kahabaan ng Commonwealth hanggang Batasan Complex. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us