Patuloy ang Maynilad sa pagkumpleto ng kanilang mga proyekto upang madagdagan ang suplay ng tubig para sa kanilang mga customer.
Tugon ito ng water concessionaire sa pagkwestiyon ni Secretary Grace Poe, kung nakakatalima pa ba ang Maynilad sa kanilang prangkisa na magbigay serbisyo sa publiko.
Ayon kay Engr. Ronald Padua, Head ng Water Supply Division, target nilang ma-reactivate ang nasa 60 deep wells sa 14 na locations sa pagtatapos ng taon.
Patapos na rin aniya ang kanilang modular treatment plant sa Cavite na makapagsusuplay ng dagdag na 5.5 million liters kada araw.
Patuloy din ani Padua, ang pagsasaayos nila sa Potatan Treatment plant upang madagdagan din ng nasa 20 million liters ang sinusuplay nitong tubig.
Inaasahan naman na magiging operational na rin ang ikatlong water treatment plant ng Maynilad sa Laguna Lake na Poblacion treatment plant, para sa dagdag na 50 million liters kada araw sa pagtatapos ng 2023, at itataas sa 150 million liters kada araw sa unang quarter ng 2024. | ulat ni Kathleen Forbes