Mayorya ng mga Pilipino ang pabor na makipagtulungan ang gobyerno ng Pilipinas sa Estados Unidos kaugnay ng isyu sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ang binahagi ni Senate President Juan Miguel Zubiri batay na rin sa survey na ginawa ng Pulse Asia na ginawa nitong hunyo.
Sa resulta ng survey, 75 percent ang nagsabing pabor sila dito habang 14 percent lang ang tutol.
Sinabi ng senate president na patunay ito na nagagalit na ang mga mamamayan sa patuloy na pangha-harass at pambu-bully ng China sa ating pwersa sa WPS.
Kasabay nito, tiniyak ni Zubiri na tatalakayin na nila sa pagbabalik ng sesyon ng senado ang inihaing resolusyon ni Senadora Risa Hontiveros na nananawagan sa gobyerno na iakyat na sa United Nations General Assembly (UNGA) ang patuloy na pambabalewala ng China sa The Hague ruling na kumikilala sa exclusive economic zone ng Pilipinas sa WPS.| ulat ni Nimfa Asuncion