Ikinatuwa ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) ang pagpapalawig ng visa-free entry para sa mga Pilipino na papasok sa bansa.
Sa pahayag na inilabas ni MECO Chairperson Silvestre Bello III, sinabi nito na mapapalakas ang kalakalan at mapapagtibay pa ang pagkakaibigan sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan.
Dagdag pa ni Bello, makikinabang dito ang nasa 170,000 Pilipinong nagtatrabaho at naninirahan sa Taiwan, at mapapalawak pa ang labor market para sa mga manggagawang Pilipino.
Umaasa ang kalihim na magkakaroon ng malakas na palitan ang Pilipinas at Taiwan sa larangan ng labor, trade, investments, at culture. | ulat ni Gab Villegas