Meralco, nanawagan sa mga kwalipikadong maka-avail ng lifeline rate program ng kanilang kumpanya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ang Manila Electric Company o Meralco sa mga kwalipikadong pamilya na maaaring mag-avail ng lifeline rate program ng Meralco upang makabawas sa singil sa kanilang buwanang bill.

Ayon kay Meralco Corporate Communications head at spokesperson Joe Zaldirriaga, bukas ang bawat Meralco branches para tumanggap ng aplikasyon sa mga lifeline consumers.

Kaugnay nito, maaari ring mag-apply ang mga 4Ps members sa naturang programa dahil kabilang sila sa sektor na prayoridad ng Meralco.

Kinakailangan lamang ng mga katibayan at dokumento mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us